Obra ni Maria 05 – Enero

Obra ni Maria 05 – Enero

Him: Iyong iyo ko hon! Buong buong buo…
Her: kung di rin lang ikaw wag nalang
Him: Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo…

— Enero 2014

Enero 2017 na…

Wala ng sila
Tanging alaala na lamang nila ang natira

Ngunit heto parin, magkausap nanamang muli
Pinaguusapan ang nakaraan, at kasalukuyan
Nagbabakasali

Nagtatawanan na parang magkaibigan
Ngunit di maitago ang nararamdaman kung minsan

May panahon sa buhay man nila’y nagmahalan ng lubos
Nangako na magsasama kahit ano pa mang unos

Ngunit tulad ng lahat ng pangako
Ang kanilang sumpaan ay napako

Ngayon eto sya, mahigit dalawang taon na ang lumipas
Di pa din natuyo ang luha, patuloy pa din na dumadaloy ang alak
Pilit na nililimot ang kahapon, pinipilit makaalpas

Habang ang isa na nangako ng buong buo
Masaya, nakangiti, kausap nga ang isa
Ngunit inaabangan ang kaniyang panibago
At ang pagbabalik nito

Leave a Reply

%d bloggers like this: