Thoughts & Poetry

Obra ni Maria 04 – Tanong…

“Masakit ba?”

Tanong nilang lahat.

Tinignan lang sila at inisip kung dapat nga bang masaktan sa dalawang linggong inakala’y pang matagalan, pang-habang buhay.

“Masakit ba?”

Tanong ulit nila.

Kung totoo ngang pag-ibig ang nadama, ay Oo, masakit ngang talaga.

“Eh, di naman naging kayo, hindi ba?”

May mga pagkakataon na di na binibilang ang relasyon. Hindi din ito tamang basehan ng pagmamahal. Ang pangungulila ay isang sapat na patunay na naging totoo ang lahat, kahit ito’y panandalian lamang.

“Hanggang kelan ka masasaktan? Hanggang kailan ang kirot?”

Kung tunay ngang pag-ibig ang nadama, hinding hindi na ito mawawala pa.

Leave a Reply