Thoughts & Poetry

Obra ni Maria 03 – Buti Nalang…

Buti nalang muntikan lang
Muntik lang kitang minahal
Kung nag tagal pa siguro
Baka mas naging masakit pa
Ang ngayon ay nararamdaman

Buti nalang muntikan lang
Muntikan lang akong mahulog
Muntikan na din
Maniwala sa mga matatamis
Mong mga pangako

Buti nalang muntikan lang
Muntik lang kitang minahal
Muntik na din bumuo ng pangarap
Tong puso kong uhaw

Buti nalang, buti nalang talaga
Hindi pa kita mahal
Sapagkat paano nalang siguro
Ang sakit na nararamdaman
Kung ngayon pa nga lang na
Muntik lang naman kitang minahal.

Leave a Reply