Thoughts & Poetry

Obra ni Maria 01 – Dalampasigan

Habang ang bibig ng karagatan ay humahalik

Sa mala-paraisong dalampasigan,

Aking tinanaw ang dating tagpuan

Biglang nanumbalik ang mga tuwa at ngiti

Na ka’y tagal nang di bumati sa aking labi.

 

Sa pag sikat ng panibagong araw,

Aking napagtanto ang di mabilang na pagkakataon

Na mag-isa kong hinarap ang mga alon.

Hanggang sa ako’y nalunod sa paniniwalang ako’y nakakapit,

Habang sa’yo ang wakas na ay sumapit.

Sa kalagitnaan, ako pala’y binitawan,

Habang tayo’y naglalayag sa karagatan.

 

Biglang naisip ang minsan na ako’y nagbakasali

Ngunit pait at pighati lamang ang sa akin ay bumati.

Ika’y nag pasya, na lumayag mag-isa,

At ikaw nga’y nangabilang isla.

 

Habang ang bibig ng karagatan ay humahalik

Sa mala-paraisong dalampasigan,

Aking tinanaw ang dating tagpuan,

Biglang nanumbalik lahat ng pait at pighati,

Na hiling ko sana’y di na kailanman pa’y manumbalik.

Leave a Reply